Pondo ng PNP Regional Office para sa darating na barangay eleksyon, hindi pa umano natanggap

Hindi pa umano natanggap ng Philippine National Police (PNP) ang pondo para gamitin sa darating na Barangay Election, ito ang sinabi ni PSSUPT Angelito Dumangeng, ang hepe ng PNP Regional Operations sa ginanap kahapon na kapehan sa Ilocos.

Ayon kay Dumangeng, bagamat wala pang pondo, ay hindi naman ito nakakaapekto sa operasyon na sinasagawa ng kapulisan lalung lalo na sa pagtutok sa seguridad sa darating na barangay election.

Dagdag pa ni Dumangeng, hindi lang sila naka pokus sa mga tumatakbong kandidato sa barangay, binbantayan diumano nila ang mga ibat ibang key areas tulad ng mga communication cellsites, power subs-station at iba pang vital installationna pwedeng e-sabotahe ng mga mapagsamantalang indibidwal o grupo.

Nauna nang inireklamo ng Comelec ang kakulangan nila ng pondo para idaos ang barangay election.

Ganunpaman, umaasa pa rin ang kapulisan na maibigay ang pondo dahil malaking tulong diumano ito sa kanilang operasyon. (Jimrey Biosa)

Speak Your Mind

*