152 sundalo sa Bangladesh, nahatulan ng bitay

Hinatulan ng parusang bitay ang 152 sundalo sa bhala, Bangladesh dahil sa kasong pagpatay, pagsunog at panggagahasa noong 2009.

Ayon kay Mohammad Akhteruzzaman, senior judge sa Dhaka Metropolitan Sessions Court, bitay ang parusa ng mga akusado.

Kung maalala, umabot sa 74 ang namatay kabilang ang 57 army officers sa madugong insidente sa Bangladesh noong February 2009.

Hindi bababa sa 850 ang kinasuhan, kasama dito ang 23 sibilyan.

Ayon naman kay Shamim Sardar, legal counsel ng isa sa mga nahatulan ng bitay na iaakyat nila sa higher court ang desisyon ng korte.

Speak Your Mind

*