Gold Medal sa 9 at 10-ball, target ni Rubilen Amit sa Myanmar SEA Games

Matapos angkinin ang korona ng 2013 Yalin Women’s World 10-Ball crown, ang gintong medalya naman sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar ang target ni Rubilen Amit.

Sasabak si Amit sa 10-ball at 9-ball event sa 2013 Myanmar SEA Games sa Disyembre.

Apat na gintong medalya ang natumbok ni Amit sapul nang isama ang billiards and snooker event sa SEA Games noong 2005.

Winalis niya ang mga gold medal sa 8-ball at 9-ball events noong 2005 at 2009 SEA Games at isang bronze medal sa 8-ball no­ong 2007.

Kasalukuyang naglalaro si Amit sa JBET.com Queens Cup kasama ang mga bigating sina Allison Fisher, Kelly Fisher, Jasmin Ouschan, Vivian Villareal, Ga Young Kim, Pei Chen Tsai at Siming Chen.

Speak Your Mind

*