Water Losses ng Maynilad Water Services, bumaba na sa 48 percent

Bumaba na sa 48 percent ang water losses ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) mula sa dating 66 percent, matapos maipatupad ng kompanya ang re-privatization noong 2007.

Bunsod nito, umaabot na lamang ang Non-Revenue Water (NRW) level ng maynilad sa 38 percent noong nagdaang Setyembre 2013 na nangangahulugan na naka-recover ang kumpanya ng mahigit 719 million liters ng malinis na naiinom na tubig kada araw na kayang i-suplay sa may 5.3 milyong pilipino.

Ang dramatic water loss reduction ay bunga ng naipatupad na nrw management program ng kumpanya.

Sa kasalukuyan, ang Maynilad ay gumagastos ng P13 bilyon para sa kanilang nrw management program kasama na ang pagkakaroon ng District Metered Areas (DMAS), massive leak repairs, total at partial pipe replacements, active leak detection at iba pa.

Speak Your Mind

*