Nepal plane crash na may sakay na 18 katao, walang nakaligtas

Natagpuan na ng Nepalese Police ang wreckage ng nawawalang Nepal Airlines Plane na may sakay na 18 katao sa bulubunduking kanluran ng bansa ngunit walang nakaligtas.

Sinabi ni Bimlesh Lal Karna, hepe ng Air Traffic Controller sa pinakamalaking paliparan sa Kathmandu, lulan ng eroplano ang 15 pasahero kabilang ang isang sanggol at tatlong crew ay nawalan ng contact sa air traffic controllers ilang sandali matapos mag-takeoff mula sa popular na tourist town ng Pokhara nong linggo ng tanghali.

Dahil dito, dalawang helicopter na ipinadala para hanapin ang eroplano pero napilitang bumalik dahil sa masamang panahon.

Sa ngayon, nakita ng pulisya ang nagkalat na piraso ng eroplano sa aerial search sa Arghakhanchi district, 226 kilometro sa kanluran ng kabisera ng Nepal.

Speak Your Mind

*