Pagdadagdag ng prangkisa pumapasadang tricycle sa dagupan, dapat pag-aralan

Kailangan umanong pag-aralan ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan kung dadagdagan ang kasalukuyang dalawang libo at limang daang prangkisa ng mga pumapasadang tricycle sa lungsod.

Ito ang naging sagot sa karamihan ng Sanggunian Panglungsod Member kung ikokonsidera ang pagbibigay ng prangkisa sa mga colorum na tricycle na umanoy pumapasada sa downtown area.

Ang hinaing ngayon ng mga miembro ng colorum tricycle association, ay wala na silang maipapakain sa kanilang mga pamilya dahil nawalan na sila ng trabaho matapos ipatupad ang pagbabawal sa pagbyahe ang mga colorum na tricycle at hinihiling nila na kahit gabi lang ang kanilang operasyon.

Ayon kay Retired SPO4 Carlito Ocampo, ang pinuno ng City Assistance Service Team (CAST) at Task Force VS Colorum Tricycle, hanggat walang ordinansa ng sangguniang panlungsod na komokonsidera sa operasyon ng mga colorum na tricycle ay patuloy ang kanilang pagtugis sa mga colorum na sasakyan ayon sa batas ng syudad at utos ng alkalde.

Speak Your Mind

*