Panibagong snowstorm sa Japan, tatlo katao na ang patay habang mahigit walong daan ang sugatan

Tatlo na ang naitalang patay habang 850 ang sugatan sa panibagong snowstorm na humahagupit sa Japan.

Nasuspinde na rin ang biyahe ng mga tren habang 628 flights ng eroplano ang nakansela dahil sa pananalasa ng sama ng panahon.

Sa kabisera na Tokyo, umaabot sa 26 sentimetro ang kapal ng snow na nakabalot sa mga lansangan dahilan para Maraming mga sasakyan ay iniwan na lang ng mga motorista sa daan.

Maraming lansangan ang ipinasara habang nasa 187,000 na mga kabahayan ang nakakaranas ng brownout.

Matatandaan na Noong nakaraang linggo lamang ay hinagupit din ng snowstorm ang Japan.

Speak Your Mind

*