Schedule para sa local at overseas job fairs sa buwan ng Pebrero at Marso, inilabas na

Ipinalabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 ang schedule ng Local at Overseas Job Fairs para sa buwan ng Pebrero at Marso para sa mas maagang malaman ng mga jobseekers ng Region I.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, ang pagsasagawa ng year-round job fairs ay isa sa mga istratehiya ng kagawaran na makapagbigay ng tuloy-tuloy na oportunidad para sa mga naghahanap ng trabaho at matulungan din ang mga employers na makahanap ng mga kwalipikadong manggagawa.

Nakatakda ngayon ang Jobs Fair sa February 14 sa bayan ng Bolinao, Pangasinan, February 17 sa Municipal Kiosk ng Sta. Maria, Pangasinan, February 21 sa Infanta Covered Court sa bayan ng Infanta, February 24 naman sa Colegio De Dagupan, at February 25 sa Union Christian College sa San Fernando City, La Union.

Bilang paghahanda sa job interview, pinapayuhan ng DOLE ang mga aplikante na alamin ang kompanya na nais nilang pasukan at magbihis ng mabuti bago sumalang sa interview.

Speak Your Mind

*