Supplementary Feeding Program ng Dagupan City, nagpapatuloy

Nakatakdang tanggapin bukas Pebrero 14 mismong Araw ng mga Puso ng City Government ng Dagupan ang P1.4 milyong pisong pondo mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD.)

Ang nasabing pondo ay para sa pagsasakatuparan ng Supplementary Feeding Program ng lungosd sa mga malnourished childrens ng at karagdagang isang milyong piso para naman sa livelihood projects.

Ayon kay City Nutrition Officer Leah Aquino, isasagawa ang community-based feeding program sa mga barangay ng Bolosan, Bonuan Boquig, Bonuan Gueset, Pantal, Carael, Mayombo, Lucao at iba pang barangay ng syudad.

Nilinaw ni Aquino, na ang kasalukuyang supplementary feeding program sa mga eskwelahan na pinonduhan ng tatlong milyong piso ng DSWD ay magtatapos na sa mga susunod na araw at ang community-based feeding program ay isasagawa naman sa mga barangay sa labas ng eskwelahan.

Speak Your Mind

*