Supplementary feeding program sa mga daycare center sa Dagupan, patuloy parin

Bagamat ilang araw nalang ay magtatapos na ang klase sa mga Daycare Center sa lungsod, nagpapatuloy parin umano ang Supplementary Feeding Program ng City Government ng Dagupan.

Sa panayam ng sonshineradio sinabi ni Lorna Hernandez ng CSWD Dagupan, na bukod sa kasalukuyang supplementary feeding program sa mga eskwelahan ay magtatapos narin sa mga susunod na araw at ang community-based feeding program ay isasagawa sa barangay Pugaro.

Layunin umano ng nasabing programa na pinasimulan noon pang 2011 na mabigyan ng sapat na nutrition ang mga malnourished childrens na nagmula sa mga indigent families.

Bukod dito, hindi rin umano kinaliligtaan ng CSWD na bigyang asista ang mga magulang ng mga bata kung saan tinuturuan nila ito sa tamang paghahanda ng malusog na pagkain at pagbibigay ng Livehood project bilang tulong sa pantustos sa kanilang pangkabuhayan.

Speak Your Mind

*