Buntis Day, isinasagawa bilang pagsuporta sa programang pangkalusugan ng Dagupan

Isinasagawa ngayong araw ang “Buntis Day” isang programa para sa mga buntis bilang suporta sa programang pangkalusugan ng pamahalaang panglungsod ng Dagupan ngayong buwan ng mga kababaihan.

Ayon kay Dra. Betha Fe Castillo ang presidente ng Pangasinan Medical Society, ang “Buntis Day” ay bahagi sa Presidential Proclamation 569 na sinimula noong March 4, 2004 upang mabigyan ng libreng serbisyong medikal ang mga nagdadalantao.

Layunin din nito ayon kay Castillo na ipabatid sa mga buntis ang kahalagahan ng palagiang pagpapakonsulta sa mga health centers at ospital upang mapag-ingatan ang pagdadalantao, malamang ang tamang nutrisyon ng pagbubuntis at maging ang breast feeding.

Sinabi pa ni Castillo na patuloy nilang hinihikayat ang mga nanay na regular na pagkonsulta at panganganak sa mga health centers upang maiwasan ang pagkamatay ng sanggol at ina sa panganganak.

Speak Your Mind

*