Cristine Reyes, itinangging nakipag-balikan na siya kay Derek Ramsay

Hindi umano totoo ang balitang nakikipag-mabutihan na si Cristine Reyes kina Derek Ramsay at Rayver Cruz!

Parehong ex-boyfriends ni Cristine ang dalawang aktor at super deny siyang nakipag-balikan na siya sa isa sa mga ito!

Pero say naman ng kapamilya actress, kahit na hindi siya nakipag-balikan sa kahit kanino mang ex niya ay nananatili pa rin naman daw silang friends ng mga ito.

Ayaw niya nga raw munang pumasok sa isang relationship dahil masaya siya sa pagiging single niya ngayon!

At may time frame pa dahil gusto raw ni Crisitne, 2 years muna siyang maging single bago na naman magka-boyfriend.

Masyado pa raw siyang busy ngayon kaya kung magkaka-boyfriend siya ngayon, tiyak na hindi sila magkakaroon ng enough time together!

Speak Your Mind

*