DepEd Dagupan, tiniyak na magiging matagumpay ng National Achievement Test ng mga mag-aaral

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) Dagupan na magiging matagupay ang pagsusulit ng mga mag-aaral sa lahat ng pampublikong elementarya sa lungsod ng Dagupan.

Ito ay dahil hindi umano nagkulang ang DepEd sa pagtuturo sa mga mag-aaralan para sa national achievement test na isinasagawa tuwing buwan ng Marso.

Sinabi naman ni Dr. Gloria Torres, DepEd Superentendent ng Dagupan na mananatiling malinis ang magiging pagsusulit sa NAT kung saan hindi ito mahahaluan ng anumang pandaraya.

Hindi rin ani Torres na titigil ang DepEd na mapataas ang antas  ng edukasyon sa lungsod kung saan maabot sa 69.56% ang antas ng NAT sa syudad noong nakaraang taon, kaya’t target nila ay malampasan ang 75% standard rate upang mabatid kung hanggang saan na ang kalidad ng edukasyon sa syudad. (DZRD newscenter)

Speak Your Mind

*