Enrique Gil at Julia Barretto, itatapat sa love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Aminado si Enrique Gil na itinatapat ang love team nila ni Julia Barretto sa pinakasikat na bagets love team ngayon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa kabila nito hindi itinanggi ni Enrique na kahit papaano’y nais nilang ma-recognize as one of the hottest pairs bukod sa Kathniel.

Kung sumikat daw sina Daniel at Kathryn, sana raw ay sa ibang pamamaraan sila sumikat para hindi sila masabihang gaya-gaya.

Sa ngayon, parehong sinabi ng dalawa na nagpapakiramdaman at kinikilala pa nila nang lubusan ang isa’t isa sa madalas nilang pagkikitapagsasama sa taping ng Mira Bella.

Speak Your Mind

*