Eroplano ng China, muntik nang tamaan ng pinalipad na missiles ng North Korea

Nabalot ng takot ang may 200 pasahero ng isang eroplano makaraang muntikan nang tamaan ng trajectory ng pinalipad na missiles ng bansang North Korea.

Ayon sa ulat, sinabi ng South Korean Government na labis na nabahala ang mga pasahero ng China Southern Airlines Plane nang makita ng mga ito ang lumipad na trajectory mula sa rocket ng nokor.

Nabatid na pinalipad ng Nokor ang isang rocket kung saan tamang-tama namang dumaraan ang nasabing eroplano na galing sa Narita Airport sa Japan at patungo sa Shengyang, China at masuwerteng nakailag.

Sinasabing ang kinukuwestiyong rocket ay isa sa pitong short-range missile at rocket launches na pinalipad ng Nokor kamakailan.

Speak Your Mind

*