Heat, nalusutan ang Rockets; Ray Allen, nagpakitang gilas at umiskor ng 25 points

Nasorpresa ang beteranong NBA player na si Ray Allen nang makagawa siya ng 14 na puntos sa 4th quarter lamang ng laban ng Miami Heat at Houston Rockets!

Sa kabuuan ng laro, kumana ng 25 points si Allen, habang tig-24 points naman sina Dwayne Wade at Lebron James dahilan para masungkit ng Heat ang panalo kontra Rockets sa score na 113-104!

Si Allen ang tinaguriang pinakamahusay na 3-point shooter sa kasaysayan ng National Basketball Association!

Bagama’t ito pa lang ang ikalawang panalo ng Miami sa huling pitong laro ng koponan ay naniniwala ang coach nitong si Erik Spoelstra na kayang-kayang bumawi ng Heat!

Samantala, sa panig naman ng Rockets ay nakagawa ng 30 points si James Harden habang 15 points naman ang iniambag ni Patrick Beverly at 12 points mula kay Terrence Jones.

Speak Your Mind

*