Intensive Background Checks sa mga sakay ng nawawalang Malaysian Airlines, walang nakitang butas

Nabigo ang Intensive Background Checks sa lahat ng sakay ng nawawalang Malaysian jetliner na makahanap ng sinumang kilalang may pulitikal o kriminal na motibo para ibangga o i-hijack ang eroplano.

Sinabi ng Malaysia na nakikipagusap ito sa U.S. at Chinese ministers sa paghahanap sa Malaysian Airlines Flight MH370, isang unprecedented 26-Nation Operation na ngayon ay sumasaklaw na sa buong Asia mula Caspian Sea hanggang sa Southern Indian Ocean.

Sinabi ng U.S. at European Security Sources na ang iba’t ibang pagsisikap na imbestigahan ang background ng lahat ng sakay ng flight ay walang nakitang kaugnayan sa mga militanteng grupo o anuman na maaaring makapagpaliwanag sa pagkawala ng jet.

Isang European diplomat din sa Kuala Lumpur ang nagsabing wala silang nakitang kahina-hinala sa passenger manifest.

Speak Your Mind

*