Japan Airlines, nag-emergency landing sa Hawaii makaraang problema ang makina sa ere

Nabalot ng takot ang may 171 pasahero ng isang malaking eroplano ng Japan Airlines (JAL) makaraang mag-emergency landing dahil sa pagkakaroon ng problema sa makina nito.

Ayon sa ulat ng CNN, napilitang lumapag sa Hawaii ang Boeing 787 Dreamliner ng Flight JL002 galing sa Tokyo patungong San Francisco, USA dahil sa nasira ang isang makina nito habang nasa himpapawid.

Sinasabing pagsapit sa Honolulu ay bigla na lamang tumunog ang oil pressure warning ng eroplano dahilan upang magdesisyon ang piloto na mag-emergency landing.

Wala namang iniulat na nasaktan sa mga pasahero at crew ng nasabing eroplano nang lumapag sa Hawaii.

Speak Your Mind

*