Kim Chiu, payag nang makatrabahong muling ang ex-boyfriend na si Gerald Anderson

Bukas na si Kim Chiu sa posibilidad na makaharap at makatrabahong mula si Gerald Anderson sa kahit na anong acting project.

Hindi na raw niya tatanggihan ang isang magandang project kahit ang makakasama niya at makaka-love team ay taong nakasakit sa kanyang damdamin dulot nang nasawing pag-ibig.

Sabi pa ni Kim, nakatulong ang mga pinagdaanan niya sa buhay at pagma-mature niya kaya naman magaan na niyang tinitingnan ang lahat ng anggulo sa kanyang career.

Natutuwa naman si Kim dahil marami pa rin ang umaasa na makikita sila ni Gerald na magkasama uli sa trabaho.

Matatandaang, umani ng maraming comments at messages post sa instagram ang larawan nila ni Gerald na magkasama na kuha sa isang campaign ad shoot kung saan pareho silang endorser.

Speak Your Mind

*