Mahihirap na kababaihan sa Dagupan, tumanggap ng ayuda mula DSWD

Maaari nang makapagsimula ng maliit na negosyo ang mga mahihirap na kababaihan sa lungsod ng Dagupan dahil sa ibinigay na limang libong pisong pondo mula sa Self-Employment Assistance-Kaunlaran (SEA-K) program ng Department of Social Welfare and Development.

Mahigit dalawang daang kababaihan, na kabilang din sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ang tumanggap ng nasabing ayuda sa isinagawang turn over ceremony na ginanap sa City Museum.

Kabilang ang livelihood program sa itinampok na pagdiriwang ng International Womens’ Month na kumikilala sa kakayahan, kalakasan at kontribusyon ng mga kababaihan, at isa ring hakbang para mapaunlad ang kanilang Socio-Economic status.

Isang milyong piso ang kabuuang ibinigay ng DSWD, habang ang City Government ng Dagupan ang mangangasiwa naman sa livelihood training, kagaya ng food processing, pananahi at cosmetology.

Speak Your Mind

*