MDRRMC, tiniyak na nakaantabay sa mga coastal barangay ng San Fabian

Aminado ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council o MDRRMC sa bayan ng San Fabian Pangasinan, na kulang na kulang ang kanilang mga kawani para maprotektahan ng mga baybaying dagat sa bayan.

Kaugnay ito sa naitalang kauna-unahang insidente ng pagkalunod sa brgy. Nibaliw West hindi pa man opisyal na nagsisimula ang panahon ng bakasyon.

Tiniyak naman ni MDRRMC Chief Danilo Morata, na patuloy silang nakaantabay sa mga coastal barangays na mayroong mga beach resort lalo’t inaasahang dadagsa na ang mga bakasyunista ngayong panahon ng tag-init.

Tamang koordinasyon lamang aniya ng mga barangay officials sa kanilang tanggapan ang kailangan upang tuluyan silang nakakakilos at nakapagpapatrolya sa mga baybaying sakop ng san fabian. (report from Genevive Ocampo)

Speak Your Mind

*