Peace and Order Council, muling binuo sa Pangasinan

Muling binuo ang Peace and Order Council (POC) ng Pangasinan para isali ang mga bagong myembro at bagong set of Elective Provincial officials para sa kanilang term na 2013-2016.

Pinirmahan ni Gov. Amado espino, Jr., ang Executive Order na nagsasabing ilang council members ay napili at nai-promote sa mas mataas na posisyon, ang ilan naman ay nailipat sa ibang probinsya at ang iba ay nagretiro na sa serbisyo, kaya kailangang i-reorganize ang grupo.

Pangunahing trabaho ng POC para mabigyan ng solusyon ang ibat ibang mga isyu at problema na nakakaapekto sa peace and order ng probinsya kabilang na ang insurhensya.

Nagrerekomenda rin ito ng mga pamamaraan para makapagsagawa ng internal security operation efforts ang mga civil authorities and agencies, kabilang na ang mga militar at pulis.

Speak Your Mind

*