Serye ng pagtuturo kaugnay sa Consumer Rights, isinagawa ng DTI Pangasinan

Isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang serye ng mga seminars dito sa Pangasinan para ma-inform ang publiko sa kanilang consumer rights sa ilalim ng Consumer Act of the Philippines.

Ayon kay Director Peter Mangabat ng DTI-Pangasinan, ang isinagawang consumer education at advocacy seminar ay bahagi ng Consumer Welfare Program ng ahensya.

Dinaluhan naman ito ng mga estudyante ng University of Pangasinan kung saan pinag-aralan nila ang tungkol sa warranties, handling complaints at ang ‘no return, no exchange’ provisions ng Republic Act 7394 o ang Consumer Act.

Hinihikayat din ni Mangabat ang mga iba pang eskwelahan para isulong ang nasabing seminar sa kanilang mga estudyante at mga school personnel para mabigyan sila ng proteksyon laban sa depektibong produkto at maling serbisyo.

Speak Your Mind

*