Isang tren sa Congo, mahigit 60 ang patay, makaraang maaksidente

Mahigit animnapung katao ang patay habang otsentapu ang sugatan makaraang magka-aberya ang tren sa lalawigan ng katanga sa Democratic Republic of Congo.

Ayon sa Provincial Minister, mabilis ang takbo ng tren kahit na kurbada sanhi ng aksidente.

Sinabi ni Kadinga Interior Minister Dikanga Kazadi na na-trap ang limampung pasahero matapos na labindalawang bagon ang nadiskaril.

Patuloy ang ginagawang rescue operation sa mga na-trap na pasahero.

Speak Your Mind

*