Kaso ng diarrhea na naitala ng Pangasinan Provincial Hospital, tumaas

Umabot na sa pitongdaan at dalawampu’t anim na kaso ng diarrhea o pagtatae ang naitala ng Pangasinan Provincial Hospital o PPH mula sa buwan ng Enero.

Bunga nito, mahigpit na nagbabala ang PPH sa publiko na mag-ingat sa pag-inom ng inuming tubig dahil posibleng tumaas pa ang bilang na naitala dahil sa nararanasan ngayong pag-uulan.

Sinabi ni PPH Head Clinic Dr. Carlo Urduna, na madaling makuha ang sakit na diarrhea lalo na kung ang maiinum na tubig ay kontaminado dulot ng mga pagbaha.

Ipinayo ng Dr. Urduna na huwag uminom ng tubig mula sa mga balon o poso, ngunit kung hindi naman maiwasan at dapat munang pakuluan ito bago inumin.

Mahalaga din umano na magkaroon ng malinis na pangangatawan, at palakasin ng resistensya upang makaiwas sa anumang sakit.

Speak Your Mind

*