Presyo ng karne at gulay sa Pangasinan, nananatiling mataas

Dagdag pasanin sa mga Pangasinense ang hindi gumagalaw na mataas na presyo ng karneng manok at baboy maging ng mga gulay kahit tapos na ang semana santa.

Ayon sa mga tindera, hanggang ngayon ay limitado parin ang suplay ng mga karne kaya’t umabot na sa P200 kada kilo ng karne ng baboy mataas sa dating P180 na presyo nito, habang ang karneng manok ay tumaas ng P10 mula sa dating presyo nito na P130 kada kilo.

Wala pa umanong katiyakan kung kailan bababa ang presyo ng mga gulay na tumaas ng P10 habang P30 ang presyo nito mula sa patatas, brocolli, at Baguio beans.

Maliban dito, mataas pa rin ang presyo ng mga rekado kung saan umabot na sa P40 ang kada kilo ng sibuyas mula sa dating P30 habang P50 naman ang itinaas sa presyo ng bawang na mabibili na sa P120 ang kada kilo nito.

Speak Your Mind

*