Algerian Plane na may lulang 116 katao, bumagsak

Kinumpirma ng mga opisyales ng Algeria na hindi lang nawawala kundi bumagsak ang Air Algerie na may lulang 116 pasahero.

Ayon sa mga otoridad ang eroplano na isang MD-83 ay may lulang 110 pasahero, dalawang piloto at apat na mga crew.

Nabatid na ang Flight 5017 ay nawalan ng contact sa radar 50 minuto matapos mag-take off mula sa Ouagadougou, Burkina Faso.

Nakatakda sanang lumapag sa Houari Boumediene Airport sa Algiers, Algeria ang eroplano matapos ang apat na oras na biyahe.

Kabilang umano sa mga pasahero ang 51 French National, 24 Burkinabe, walong Lebanese, apat na Algerian National, dalawa mula sa Luxembourg, isang Belgian, isang Swiss, isang Nigerian, isang Cameroonian, isang Ukrainian at isang Romanian.

Ang Air Algerie ay ang national carrier ng Algeria na may flights patungo sa 28 bansa.

Speak Your Mind

*