Aljur Abrenica, nagsampa ng kaso sa GMA Network para tapusin ang kanyang kontrata

Naghain ng Judicial Confirmation of Rescission of Contract si Aljur Abrenica laban sa GMA Networkupang tapusin na ang kanyang kontrata.

Ayon sa Aktor, ginawa niya ang naturang hakbang dahil hindi na umano siya masaya sa pangangalaga ng nasabing TV Network at wala siyang nakikitang maganda sa direksyon na pupuntahan ng kanyang career bilang isang seryosong Actor at Musikero.

Pakiramdam umano niya ay nabastos at nainsulto na ang kakayahan niya bilang isang actor kaya humihingi na siya ng release sa pangangalaga ng Network.

Ganunpaman, pinagdarasal naman ni Aljur na pagkatapos ng lahat ay magkaroon pa siya ng magandang relasyon sa GMA dahil hindi naman daw niya malilimutan ang nagawa nito sa kanyang career.

Speak Your Mind

*