CDRRMC Dagupan, naka-full alert na sa pagdating ng bagyong Glenda, pre-emptive evacuation ipapatupad na

Ikinasa na ang pre-emptive evacuation sa mga Dagupenyo na naninirahan sa baybaying dagat bago pa man dumating ang bagyong Glenda sa lungsod ng Dagupan.

Ito’y matapos ang isinagawang pagpupulong ng binuong City Disaster Risk Reduction and Management Council sa pangunguna ni P/Supt. Christopher Abrahano upang ihanda ang syudad sa pagdating ni ‘Glenda’.

Ayon kay City Disaster Risk Reduction Management Office Chief Ronald de Guzman, nagkaisa ang Dagupan City Police, Maritime Police, Philippine Coastguard, Bureau of Fire Protection at Philippine Navy sa pagpapadala ng kanilang mga personnel at equipment para sa gagawing rescue operation.

Magsisilbing Command Center ng Operation ang City Museum simula mamayang gabi hanggang sa bumalik sa normal ang lungsod pagkatapos dumaan ng bagyong Glenda.

 ——

Tinukoy na ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ng Dagupan ang magiging evacuation areas sa pagdating ng bagyong ‘Glenda’ syudad.

Ayon kay CDRRMC Chief Ronald de Guzman ang mga lugar sa bahagi ng Bonuan Gueset, ay ang sabangan elementary school, Gen. Gregorio del Pilar Elementary School at ang kanilang GYM sa Brgy. Hall, habang sa Binloc naman ay ang Fererico Ceralde Elementary School at ang Bliss Elementary School.

Sinabi naman ni De Guzman na kung hindi magiging sapat ang mga nabanggit na lugar, mapipilitan na buksan na ang people’s astrodome para sa mga evacuees.

Kasabay nito, pinayuhan ni De Guzman ang lahat na manatiling naka-monitor sa mga himpilan ng radio at telebisyon para sa mga pinakahuli at karagdagang impormasyon tungkol sa bagyong Glenda.

Speak Your Mind

*