Community Base Disaster Unit, isinusulong ng PDRRMC sa mabababang lugar sa Pangasinan

Hinihikayat ngayon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC ang mga barangay sa lalawigan ng Pangasinan na magkaroon ng Community Base Disaster Unit lalo na sa panahon ng bagyo.

Ayon sa tagapagsalita ng PDRRMC na si Avenix Arenas, mahalaga na magkaroon ng rescue team sa kanilang lugar gamit ang kanilang mga manpower at lumikha ng mga bagay na maaari nilang magamit sa panahon ng rescue.

Sinabi pa ni Arenas na importante rin na magkaroon ng kahandaan ang mga residente na nasa mabababang lugar na kung sakaling kailangan ng lumikas ay agad itong gawin.

Apela naman nito sa mga mangingisda na sanay huwag maging matigas ang ulo na pumalaot kung masama ang lagay ng panahon upang hindi malagay sa peligro ang kanilang buhay.

Speak Your Mind

*