DENR Region 1, hindi na magbibigay ng tree cutting permit sa Road Widening Project sa Pangasinan

Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources o DENR Region1 na hindi na sila magbibigay ng Tree Cutting Permit para sa Road Widening Project ng Department of Public Works and Highway o DPWH sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ayon kay dIrector Samuel Peniafiel ng DENR Region 1 ay dahil sa pagtutol ng mga Non-Government Organization at resolution ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumutol ng punong kahoy na masasagasaan ng proyekto.

Kabilang ang mga pangunahing kalsada na nasasakupan ng road widening project ay ang mga bayan ng Sison, Pozorrobio, Binalonan at bayan ng Villasis.

Nilinaw naman ni Peniafiel na hindi na maaring isisi pa sa DENR kung may maa-aksidenteng motorista dahil sa mga nakatayong punong kahoy sa mga pinaluwang na pangunahing kalsada sa pangasinnan, dahil una nang binigyan ng permit ang pagpuputol dito subalit mariin itong tinutulan.

Speak Your Mind

*