Ecowaste, nagbabala sa panganip sa kalusugan ng paggamit ng kapote

Mapanganib sa kalusugan ang ilang kapoteng madalas gamitin ng mga estudyante ngayong panahon ng tag-ulan dahil nagtataglay ang mga ito ng nakalalasong kemikal.

Batay sa ginawang pagsusuri ng Environmentalist Group na Ecowaste Coalition, nagtataglay ng iba’t ibang nakalalasong kemikal tulad ng lead o tingga ang kapote.

Bunga nito, pinaalalahanan ng Ecowaste ang publiko na iwasan ang pagbili ng kapoteng gawa sa Poly-Vinyl Chloride o PVC Plastic dahil ito ay nagtataglay ng ibat ibang uri ng nakalalasong kemikal lalo na ng lead.

Sinasabing ang naturang mga kapote ay kalimitang nabibili sa mga bangketa ng Divisoria at Baclaran sa halagang 100-piso pataas.

Payo ng Ecowaste na gumamit na lamang ng payong o kaya ay jacket bilang proteksiyon sa ulan.

Speak Your Mind

*