Hirit na hospital arrest ni Sen. Enrile, suportado ng isang mambabatas

Suportado ng isang mambabatas ang hirit ni Senador Juan Ponce-Enrile na ma-hospital arrest nalamang ito matapos ang kaniyang boluntaryong pagsuko sa mga otoridad.

Ito ang sinabi ni Cavite, Fourth District Representative Elpidio Barzaga Jr. sa panayam ng sonshine radio.

Matatandaang naghain ng mosyon ang kampo ni Enrile para ma-idetine nalamang ang senador sa PNP General Hospital sa Kampo Crame.

Una nang idinahilan ng kampo ni Enrile sa kanilang mosyon sa Sandiganbayan Third Division ang kaniyang edad at kalagayan ng kanyang kalusugan.

Speak Your Mind

*