Information Drive on Safe Driving sa mga estudyante, isinasagawa ng LTO Lingayen

Nagpapatuloy ang isinasagawa ng Land Transportation Office (LTO) sa bayan ng Lingayen na information drive on safedriving sa ikalawang distrito ng Pangasinan na kanilang nasasakupan, kabilang na ang mga eskwelahan ng Lingayen, Binmaley, Bugallon, Labrador, Sual, Aguilar, at Mangatarem.

Ayon kay LTO-Lingayen Chief Engr. Eric Suriben, sinimulan ng LTO ang nasabing aktibidad sa pagsisimula ng klase ng mga mag-aaral sa Pangasinan State University (PSU) at sa TESDA ng Pangasinan School of Arts and Trade sa nasabing bayan, sa layuning maipaalam sa mga estudyante ang mga existing traffic rules and regulations sa pagmamaneho.

Namamahagi din sila ng mga leaflets at flyers tungkol sa pag-iisyu ng student permits at pagbibigay paalala sa mga hindi pa rehistradong sasakyan at hindi pa nare-renew na mga lisensya ng mga driver.

Sinimulan na rin ng LTO Lingayen ang pagpapatupad sa Joint Administrative Order (JAO) ng LTFRB at lto kaugnay sa pagpapataw ng mas mataas na multa sa road transport violators.

Speak Your Mind

*