Islamic State, idineklara ng Al Qaeda breakaway group sa Syria at Iraq

Nagdeklara na ng Islamic state ang Al Qaeda breakaway group na ISIS o Islamic State of Iraq and Syria na may kontrol sa Northern Syria at malaking bahagi ng katabing Iraq.

Sinabi ni ISIS Spokesman Abu Mohammed Al-Adnani na magsisilbing pinuno ng Islamic State ang lider ng mga militante na si Abu Bakar Al-Baghdadi.

Saklaw ng Islamic state ang Aleppo Province sa Syria hanggang Diyala Province sa Iraq.

Nanawagan ang mga militanteng Sunni sa mga naninirahan sa mga lugar na kanilang kontrolado na manumpa ng katapatan kay Al Baghdadi.

Sa pagdeklara ng sariling estado, pinalitan din ng grupo ang kanilang pangalan at tatawaging Islamic State na lamang.

Speak Your Mind

*