James Harden, ikinumpara ang Gilas Pilipinas sa San Antonio Spurs

Hindi malayong maging kasing-husay ng San Antonio Spurs ang koponan ng Gilas Pilipinas!

Ayon kay Harden, hindi imposibleng mapantayan ng Gilas Pilipinas ang husay ng mga koponan sa National Basketball Association basta’t hindi lang din sila titigil sa pagpapahusay ng kanilang kakayahan.

Ito na ang ikalawang pagkakataong pagbisita ni Harden sa Pilipinas mula noong 2011, kung saan kasama ng walong iba pang NBA players, ay nakipag-laro sila kontra sa PBA selection team sa pangunguna ni Gilas Coach Chot Reyes.

Dagdag pa ni Harden, nakita niya nang maglaro ang Gilas Pilipinas at bilib siya sa istilo ng paglalaro ng Philippine National Team.

Aniya, bagaman hindi matatangkad ang Gilas ay lamang naman sila sa husay ng pagdadala ng bola na aniya’y pinaka-malaking puntos para makapag-panalo ng laro!

Speak Your Mind

*