Kahalagahan ng nilalaman ng Emergency Survival Kit, ipinaalala ng CDRRMC

Hindi nagsasawa na magbigay paalala ang City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) dito sa lungsod ng Dagupan sa mga dapat gawin kapag panahon ng kalamidad.

Sinabi ni CDRRMC Officer Ronald De Guzman, na sa lahat ng oras at panahon dapat laging nakaantabay sa pakikinig sa radyo at panonood ng balita sa telebisyon upang malaman ang kondisyon ng panahon at kung kailangan ng lumikas.

Siguraduhin din aniya na nakahanda na ang kanilang emergency o survival kit na napapalooban ng transistor at baterya, mga gamot, pagkaing madaling lutuin, mahahalagang papeles, hygene kit, at first aid kit.

Idinagdag naman ni PDRRMC Spokesperson Avenix Arenas, na huwag din kalilimutan ang pagdadala ng malinis na damit, blanket o kumot at banig upang maging komportable ang kanilang lagay sa evacuation center.

Speak Your Mind

*