Mahigit tatlong milyong pasahero, maseserbisyuhan ang pagsisimula ng operasyon ng NAIA Terminal 3

Tinatayang aabot sa mahigit tatlong milyong pasahero ang maa-accommodate ng NAIA Terminal-3 sa pagsisimula ng operasyon nito sa Hulyo a-trenta y uno.

Ayon kay Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-3 Manager Engr. Octavio Lina, ang bilang na ito ng mga pasahero ay magmumula sa Terminal 1 bunsod ng paglipat ng limang International Airlines sa Terminal 3.

Sa kasalukuyan ay inihahanda na ng pamunuan ng Terminal-3 ang mga kakailanganin para sa pagsisimula ng operasyon.

Idinagdag pa ni Manila International Airport Authority Assistant General Manager Vicente Guerzon na naitalaga na rin ang mga security personnel na magbabantay sa terminal, maging ang mahigit sa tatlong daang personnel na mangangasiwa sa buong paliparan.

Samantala, ang limang foreign carriers naman na lilipat na ang operasyon sa terminal-3 ay ang Singaporean Airlines, Delta, Emirates, Cathay Pacific at KLM Airlines.

Speak Your Mind

*