Market vendors sa bayan ng Bayambang, oobligahing magsuot ng ID

Oobligahin na ang mga market vendor sa bayan ng Bayambang, Pangasinan na magsuot ng market id upang makilala ang mga lehitimong vendor at mga ambulant vendor sa public market.

Layunin din umano nito na mabigyan ng prebelihiyo ang mga datihan nang tindera na mabigyan ng maayos na puwesto kung saan sila ang nagtiis at nagsakrepisyo noong ginagawa na ang palengke ng bayan.

Ayon kay Stephanie Caragan, ang Municipal Market Supervisor, ginagawa din umano nila ito upang makabawi at magkaroon ng maayos na benta ang nasabing mga tendera, na hindi nagpapabaya sa pagbabayad ng tax.

Sinabi naman ni Caragan na bibigyan ng tamang lugar ang dumadagsang mga ambulant vendor lalo’t ang ikinabubuhay lamang ng mga ito ay pagtitinda ng sari-saring gulay.

Speak Your Mind

*