Mayor Fernandez, nahirang bilang bagong Chairman ng Regional Peace and Order Council sa Region 1.

Hinirang si Dagupan City Mayor Belen Fernandez bilang bagong Chairman ng Regional Peace and Order Council (RPOC) ng Region 1 kung san sakop nito ang lalawigan ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Ang Certificate of Appointment ay personal na iginawad kay Mayor Fernandez ni Department of Interior Local Government (DILG) Regional Director Juliet Daquioag at ni DILG Officer Roderick Dawis.

Kasama sa responsibilidad na gagampanan ni Fernandez bilang RPOC Chairman ang mga aktibidad sa pagpreserba ng peace and order, public safety, disaster management at lahat ng mga usaping may kauganyan sa pagbibigay proteksyon sa mamamayan sa buong rehiyong uno.

Sinabi naman ni Fernandez na gagawin niya ang lahat upang matugunan at mabigyang solusyon lahat ng mga isyu pangkapayapaan at kaayusan sa rehiyon lalo na sa problemang may kaugnayan sa ilegal na droga.

Speak Your Mind

*