Mga pulis at sundalo sa Pangasinan, mabebenipisyuhan ng housing project ng NHA

Inaasahang mabebenipisyuhan ang may pitong daang pulis at sundalo sa lalawigan ng housing project na ginagawa ngayon ng National Housing Authority (NHA) sa Sual, Pangasinan.

Ang housing project ay isang programa ng gobyerno na tumutulong sa mga kawani ng gobyerno kabilang na ang mga pulis at militar kung saan makukuha lamang ito sa buwanang bayad sa murang halaga.

Ayon kay NHA Spokesperson Engr. Ruben Caridad, inaasahan nila na matatapos ang 700 unit na bahay sa susunod na taon, kung saan mayroon itong dalawang palapag, tatlong kuwarto at sariling kusina at CR.

Hinikayat naman ng opisyal ang mga pulis at sundalo na makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng National Housing Authority kung sila ay interesadong  makakuha ng housing unit at ihanda lamang ang mga kakailanganing dokumento.

Speak Your Mind

*