Muntikang pag-banggaan ng dalawang eroplano sa ere, napigilan sa Houston, USA

Dalawang commercial airplanes ang muntikan nang magbanggaan sa ere sakay ang ilang daang pasahero sa Houston, USA.

Ayon sa ulat, sinabi ng Federal Aviation Administration Authorities na nagawang maiiwas ng air traffic controllers sa Houston Airport ang muntikan nang MidAir Collision ng nasabing dalawang malaking eroplano.

Nangyari ang insidente noong nakalipas na Huwebes ng gabi sa layong 16 milya ng hilagang-silangan ng Bush Intercontinental Airport kung saan sangkot ang Singapore Airlines 777 jumbo jet at Delta Airlines a320 na lumapit ng mababa sa isang kilometro at 60 metro ang pagitan.

Base sa isinasaad ng Federal Guidelines, dapat na ang pagitan ng dalawang eroplano ay 0.8 kilometro pababa at 5 kilometro diretso.

Speak Your Mind

*