NoKor, Tuloy-tuloy ang pagpapakawala ng missiles sa Korean Peninsula

Tuloy-tuloy ang paglulunsad at nagpakawala ng missiles ang North Korea sa bahagi ng karagatan sa silangan ng Korean Peninsula.

Ayon sa isang South Korean official, dalawang short-range missiles NA MAY 310 miles o 500 kilometro ang inilunsad ng Hilagang Korea.

Iginiit naman ng Korean People’s Army (KPA) Strategic Force, ang paglulunsad nila ng high-precision tactical guided missiles ay lehitimong exercise sa kanilang soberenya.

Una ng binalewala ng Hilagang Korea ang panawagan ng international community na tigilan ang probokasyon kung saan nito lamang mga nakaraang araw, apat na beses nang nagsagawa ng missile test.

Speak Your Mind

*