Pangasinan Provincial Hospital, nakapagtala na ng tatlo katao na namatay sa leptospirosis

Kinumpirma ng Pangasinan Provincial Hospital o PPH na tatlo na ang namatay dahil sa sakit na leptospirosis na dinala sa nabanggit na pagamutan.

Ayon kay PPH Chief of Hospital Dr. Policarpio Manuel, ang mga biktima na mula sa Manaoag, Malasiqui at Calasiao ay hindi agad nadala sa pagamutan kung kaya’t hindi agad nabigyan ng pangunang lunas na naging sanhi ng kamatayan.

Nangangamba naman ang PPH na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga biktima ng leptospirosis lalo na’t patuloy na nararanasan ang pag-uulan sa lalawigan.

Apela naman nito sa publiko na mag-ingat at magsuot ng pananggalang sa paa lalo kapag lulusong sa baha at agad magpakonsulta sa doktor kapag nakaranas ng mga sintomas ng sakit na leptospirosis.

Speak Your Mind

*