“Point-of-Care” Program ng Philhealth, bukas para sa mahihirap ng pamilya

Bukas na sa mga mahihirap na pasyente ang “Point-of-Care” (POC) Insurance Program ng Department of Health (DOH) at Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) para maging miembro ng Philhealth.

Ayon kay Joseph Manuel, ang Information Officer ng Philhealth Region 1 kung magpapa ospital ang isang mahirap na pamilya na kabilang sa class C-3 o D ay awtomatikong mapapabilang at malilibre ito sa gastusin dahil mapapabilang sila sa “No Balance Billing Policy”.

Ani Manuel, mismong ang Government Hospital na ang mag-eenrol ng pasyente sa Philhealth at magbabayad ng P2,400 basta’t may kaukulang katibayan o sertipikasyon mula sa isang social worker sa panahon ng kanyang pagpasok sa ospital.

Layunin umano ng Philheath na matulungan ang mga mahihirap na pamilya sa pagpapagamot at mabigyan ng kaagapay sa oras ng kanilang pangangailangan.

Speak Your Mind

*