Rescue Team, maaaring buuin ng Community Base Disaster Response ayon sa PDRRMC

Lalong pinapalakas ngayon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC ang Community Base Disaster Response sa mga barangay sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Avenix Arenas, tagapagsalita ng PDRRMC, mismong ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Council (BDRRMC) at komunidad ang bubuo ng rescue team mula sa kanilang mga residente na may kakayahang magresponde sa panahon ng kalamidad.

Sinabi pa ni Arenas na importante na magkaroon ng kahandaan lalo na ang nasa mabababang lugar kaya hinihikayat din nila ang mga residente na lumikha ng mga bagay mula sa mga indigenous materials na magagamit nila sa rescue operation.

Speak Your Mind

*