Amerika, pina-plano na kung paanong susupilin ang IS Fighters sa Syria

Wala pang nabubuong istratehiya ang US Government para ayudahan ang Syrian Military sa paglaban sa Islamic State Fighters ngayon.

Ayon kay US President Barack Obama, masyado pang maaga para ilantad niya ang mga pina-plano ng Amerika para tulungan ang Syria.

Pero inamin ni Obama na inatasan niya na ang top defense officials ng Amerika na maghanda na ng iba’t ibang opsyon sa gagawin nilang hakbang para masupil ang IS Fighters na nanggugulo sa Syria.

Samantala, sa Ukraine… nakapasok na sa bansa ang militar ng Russia matapos makita sa satellite images na inilabas ng NATO.

Ito ay bilang patunay rin na ang pumasok na ang russian military sa Ukrainian territory para tulungan ang Pro-Russian rebels na labanan ang military.

Sa kabila ng malinaw na satellite images, tahasan pa ring itinatanggi ng Russian Government na inutusan nito ang kanilang militar na pasukin ang Ukraine.

Speak Your Mind

*