Batang Gilas, nasungkit ang ika-limang puwesto sa FIBA Asia Under 18 Championships

Tinalo ng Batang Gilas ang Japan sa iskor na 113-105, para masungkit ang ika-limang pwesto sa FIBA Asia Under-18 championship.

Pinangunahan ni Kobe Paras ang mga pinoy sa kanyang 27 points at 10 rebounds habang nagdagdag naman si Jollo Go ng 24 points.

Gayunman, ang buzzer-beater three-pointer ni Ranbill Tongco ang nagligtas sa Batang Gilas para mabigyan ng tsansa sa overtime, 93-93.

Bago ito, pinatumba ng mga pinoy ang Kazakhstan sa iskor na 86-74, matapos matalo sa quarterfinals kontra Chinese Taipei.

Speak Your Mind

*