BFAR Pangasinan, isinusulong ang pagpapalago ng produksyon sea cucumber sa lalawigan ng Pangasinan

Isinusulong ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Pangasinan ang pagpapalago ng produksyon ng sea cucumber o balatang sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay BFAR- National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) Director Dr. Westly Rosario, isa ang Pilipinas sa Top 2 producer ng sea cucumber sa Asya kung saan nangunguna rito ang bansang Indonesia.

Sinabi ni Rosario na malaki ang kikitain ng mga mangingisda sa pagpaparami ng sea cucumber dahil malaki ang potensyal nito sa international market.

Samantala, bukod sa malaking kita, nakakatulong din ayon kay Rosario ang sea cucumber para mapanatili ang water quality ng tubig dahil sa pamamaraan ng pagkain nito.

Speak Your Mind

*