CDRRMC Dagupan, handa anumang oras sa pagsasagawa ng mga rescue operation

Tiyak umanong may sapat na kahandaan ang City Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Dagupan, sa pagsasagawa ng rescue operation sa mga oras ng pangangailangan.

Sa panayam ng sonshineradio kay CDRRMC Officer Ronald De Guzman, sinabi ng opisyal na ito ay dahil sa kanilang 24 oras na pagbabantay lalo na ngayong tuloy-tuloy ang pag-ulan na posibleng magdulot ng pagbaha.

Bukod dito, nakatitiyak narin umano ang CDRRMC na may magagamit silang mga rescue equipment sa kanilang pag responde.

Ayon pa kay De Guzman, na nakapagtala narin ang CDRRMO ng mga designated evacuation areas sa lungsod para magsilbing tuluyan ng mga residente na mabibiktima ng pag-baha.

Speak Your Mind

*